Mga Bilang 32:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Napakarami ng hayop ng mga lipi nina Ruben at Gad. Nang makita nila na mainam ang pastulan sa Jazer at sa Gilead,

2. pumunta sila kay Moises, kay Eleazar at sa mga pinuno ng Israel. Sinabi nila,

3. “Ang Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Hesbon, Eleale, Sebma, Nebo at Beon,

4. mga lupaing nilupig ni Yahweh para sa Israel ay mainam na pastulan ng mga hayop. Kaming mga lingkod ninyo ay may mga bakahan.

Mga Bilang 32