Mga Bilang 31:7-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Tulad ng utos ni Yahweh kay Moises, nilusob nila ang mga Midianita at pinatay ang lahat ng lalaki

8. kasama ang limang hari ng Midian na sina Evi, Requem, Zur, Hur at Reba, pati si Balaam na anak ni Beor.

9. Binihag nila ang mga babae at ang mga bata, at sinamsam ang kanilang mga baka, mga kawan at lahat ng ari-arian.

10. Sinunog nila ang mga lunsod at lahat ng mga toldang tinitirhan roon,

11. subalit sinamsam nila ang lahat ng maaaring samsamin, maging tao o hayop man.

Mga Bilang 31