Mga Bilang 3:3-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Sila ang mga itinalagang pari na magsisilbi sa Toldang Tipanan.

4. Ngunit sina Nadab at Abihu ay namatay sa harap ng altar sa Bundok ng Sinai nang magsunog sila ng handog kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy na hindi itinalaga para roon. Wala silang anak kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang pari habang nabubuhay ang kanilang ama.

5. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

6. “Tipunin mo ang lipi ni Levi at italaga mo sila bilang katulong ni Aaron.

7. Tutulungan nila si Aaron sa mga gawain sa Toldang Tipanan at ang mga mamamayan sa kanilang paghahandog.

Mga Bilang 3