16. Kaya, ang lipi ni Levi ay inilista ni Moises ayon sa utos sa kanya ni Yahweh.
17. Ito ang mga anak ni Levi: sina Gershon, Kohat at Merari.
18. Ang mga anak naman ni Gershon ay sina Libni at Simei.
19. Ang mga anak ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
20. Ang mga anak naman ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ito ang talaan ng lipi ni Levi ayon sa kani-kanilang angkan.
21. Ang angkan ni Gershon na binubuo ng mga sambahayan nina Libni at Simei
22. ay umabot sa 7,500 ang may edad na isang buwan pataas.
23. Nagkampo sila sa gawing kanluran, sa likod ng tabernakulo,
24. at ang pinuno nila ay si Eliasaf na anak ni Lael.
25. Sila ang mangangasiwa sa kaayusan ng Toldang Tipanan,
26. sa bubong at sa tali nito, sa mga kurtina sa pinto at sa bulwagan sa paligid, at ng altar.
27. Ang angkan ni Kohat ay binubuo ng mga sambahayan nina Amram, Izar, Hebron at Uziel,
28. at umabot sa 8,600 ang mga kalalakihang isang buwan pataas ang edad.
29. Sila ay sa gawing timog ng tabernakulo pinagkampo
30. at pinamunuan ni Elizafan na anak ni Uziel.