14. Sinabi noon ni Yahweh kay Moises sa ilang ng Sinai,
15. “Lahat ng lalaki sa lipi ni Levi, mula sa gulang na isang buwan pataas ay ilista mo ayon sa kani-kanilang angkan at sambahayan.”
16. Kaya, ang lipi ni Levi ay inilista ni Moises ayon sa utos sa kanya ni Yahweh.
17. Ito ang mga anak ni Levi: sina Gershon, Kohat at Merari.
18. Ang mga anak naman ni Gershon ay sina Libni at Simei.
19. Ang mga anak ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.