Mga Bilang 26:3-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Dahil dito, tinipon nila ang mga pinuno sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.

4. Binilang at inilista ang mga Israelita tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises. Ito ang listahan ng mga Israelitang umalis sa Egipto:

5. Sa lipi ni Ruben na panganay ni Israel ay ang mga angkan nina Hanoc, Fallu,

6. Hesron at Carmi.

7. Ang mga angkang ito ang bumubuo sa lipi ni Ruben. Silang lahat ay 43,730.

Mga Bilang 26