Mga Bilang 23:17-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Pagbalik niya, nakita niya si Balac at ang mga pinunong kasama nito na nakatayo sa paligid ng handog. Tinanong siya ni Balac, “Ano ang sabi ni Yahweh?”

18. Sinabi ni Balaam,“Makinig ka, Balac, dinggin mo ako,anak ni Zippor, may sasabihin ako sa iyo:

19. Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao.Anumang sabihin niya'y kanyang gagawin,kung mangako man siya, ito'y kanyang tutuparin.

20. Ang utos sa akin, sila'y pagpalain;ang pagpapala ng Diyos, di ko kayang bawiin.

21. Sa Israel ay wala akong makitang kasawian,sa kanila ay wala ring kapahamakan.Ang Diyos nilang si Yahweh ang kanilang kasama,ipinapahayag nilang siya ang hari nila.

22. Ang Diyos ang naglabas sa kanila sa Egipto,sila'y ipinaglaban niya nang tulad sa mailap na toro.

23. Si Jacob ay hindi makakayang kulamin,ang Israel ay hindi maaaring sumpain.Tungkol sa Israel, ito ang sasabihin ng mga tao:‘Ito ang gawa ng Diyos at pagmasdan ninyo!’

24. Ang Israel ay kasinlakas ng isang leon,hindi tumitigil hanggang kaaway ay di nalalamonat hanggang ang dugo nito ay di niya naiinom.”

25. Sinabi ni Balac kay Balaam, “Kung ayaw mo silang sumpain, huwag mo naman sanang pagpalain.”

26. Ngunit ang sagot ni Balaam, “Hindi ba't sinabi ko na sa iyong gagawin ko lamang ang lahat ng sinabi sa akin ni Yahweh?”

Mga Bilang 23