Mga Bilang 23:13-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Sinabi sa kanya ni Balac, “Pumunta tayo sa ibang lugar, sa lugar na hindi mo makikita ang lahat ng mga Israelita. Doon mo sila sumpain.”

14. At nagpunta sila sa bukirin ni Zofim, sa taluktok ng Pisga. Nagpagawa sila roon ng pitong altar at bawat isa'y hinandugan ng tig-iisang toro at tig-iisang tupa.

15. Sinabi ni Balaam kay Balac, “Dito ka lang sa may mga handog na sinusunog at pupunta ako sa dako roon para makipagkita kay Yahweh.”

16. Pagkalayo niya nang kaunti, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabi kung ano ang dapat niyang sabihin kay Balac.

17. Pagbalik niya, nakita niya si Balac at ang mga pinunong kasama nito na nakatayo sa paligid ng handog. Tinanong siya ni Balac, “Ano ang sabi ni Yahweh?”

18. Sinabi ni Balaam,“Makinig ka, Balac, dinggin mo ako,anak ni Zippor, may sasabihin ako sa iyo:

19. Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao.Anumang sabihin niya'y kanyang gagawin,kung mangako man siya, ito'y kanyang tutuparin.

20. Ang utos sa akin, sila'y pagpalain;ang pagpapala ng Diyos, di ko kayang bawiin.

21. Sa Israel ay wala akong makitang kasawian,sa kanila ay wala ring kapahamakan.Ang Diyos nilang si Yahweh ang kanilang kasama,ipinapahayag nilang siya ang hari nila.

22. Ang Diyos ang naglabas sa kanila sa Egipto,sila'y ipinaglaban niya nang tulad sa mailap na toro.

23. Si Jacob ay hindi makakayang kulamin,ang Israel ay hindi maaaring sumpain.Tungkol sa Israel, ito ang sasabihin ng mga tao:‘Ito ang gawa ng Diyos at pagmasdan ninyo!’

Mga Bilang 23