1. Nang unang buwan, nakarating ang buong sambayanan ng Israel sa ilang ng Zin at nagkampo sila sa Kades. Doon namatay at inilibing si Miriam.
2. Wala silang makuhang tubig doon, kaya nagpulong sila laban kina Moises at Aaron.
3. Sinabi nila, “Mabuti pa'y namatay na kami sa harap ng Tolda ni Yahweh kasama ng iba naming mga kapatid.
4. Bakit pa ninyo kami dinala rito? Upang patayin ba kasama ng aming mga alagang hayop?