10. Ang kasuotan ng mag-iipon ng abo ay lalabhan at ituturing din siyang marumi hanggang sa kinagabihan. Ang tuntuning ito'y susundin ng lahat habang panahon, para sa mga Israelita at maging sa mga dayuhang naninirahan sa bayan nila.
11. “Sinumang makahawak sa patay ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw.
12. Upang maging malinis muli, kailangang linisin niya ang kanyang sarili sa ikatlo at ikapitong araw sa pamamagitan ng tubig na inilaan para dito. Kapag hindi niya ginawa ito, hindi siya magiging malinis.
13. Sinumang humawak ng bangkay at hindi maglinis ng sarili sa pamamagitan ng tubig na panlinis ay nagpaparumi sa tabernakulo ni Yahweh. Siya'y mananatiling marumi habang panahon, at ititiwalag sa sambayanang Israel.