Mga Bilang 19:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,

2. “Sabihin ninyo sa mga Israelita na pumili ng isang mapula-pulang dumalagang baka na walang kapintasan at hindi pa napagtatrabaho kahit kailan. Ito'y dadalhin nila sa inyo,

3. at ibibigay naman ninyo kay Eleazar upang patayin sa labas ng kampo habang siya'y nakatingin.

4. Ilulubog ni Eleazar ang kanyang mga daliri sa dugo nito at pitong ulit na wiwisikan ang harap ng Toldang Tipanan.

5. Pagkatapos, ang baka'y susunugin nang buo sa harapan ng pari, pati balat, dugo at dumi.

6. Habang sinusunog ito, ang pari ay kukuha naman ng kahoy na sedar, ng hisopo at lana, at isasama sa bakang sinusunog.

7. Pagkatapos, lalabhan ng pari ang kanyang kasuotan, maliligo siya, saka papasok sa kampo. Ituturing siyang marumi ayon sa Kautusan hanggang kinagabihan.

8. Ang kasuotan ng katulong sa pagsusunog ng dumalagang baka ay dapat ding labhan. Kailangan din siyang maligo at ituturing din siyang marumi hanggang kinagabihan.

Mga Bilang 19