Mga Bilang 18:13-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Ang lahat ng iyan ay para sa inyo at maaaring kainin ng sinumang kasambahay mo na malinis ayon sa Kautusan.

14. “Lahat ng mga bagay na lubos na naialay ng mga Israelita kay Yahweh ay nauukol sa iyo.

15. “Lahat ng panganay, maging tao o hayop na pawang nakatalaga sa akin ay mauuwi sa iyo. Ngunit ang panganay na Israelita at ang panganay ng mga hayop na marurumi ayon sa Kautusan ay tutubusin nila

16. isang buwan matapos isilang. Ang tubos sa bawat isa ay limang pirasong pilak, ayon sa timbangan ng templo.

Mga Bilang 18