Mga Bilang 14:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nalungkot ang buong bayan ng Israel at magdamag na nag-iyakan.

2. Nagbulungan sila laban kina Moises at Aaron. Ang sabi nila, “Mabuti pang namatay na tayo sa Egipto o kaya'y sa ilang

3. kaysa tayo'y patayin ng ating mga kaaway sa lupaing pinagdalhan sa atin ni Yahweh, at bihagin ang ating asawa't mga anak. Mabuti pa'y bumalik na tayo sa Egipto.”

4. At nag-usap-usap sila na pumili ng isang lider na mangunguna sa kanilang pagbalik.

5. Sina Moises at Aaron ay nagpatirapa na nakikita ng buong bayan.

22-23. isa man sa mga nakakita ng himalang ginawa ko ay hindi makakapasok sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Paulit-ulit nila akong sinusubok at hindi nila ako sinusunod.

Mga Bilang 14