Mga Bilang 10:17-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Kapag nakalas na at naihanda na sa pag-alis ang tabernakulo, susunod ang mga anak ni Gershon at ni Merari, na siyang nagpapasan ng binaklas na tabernakulo.

18. Kasunod ang pangkat nina Ruben ayon sa kanya-kanyang angkan, at pinangungunahan ni Elizur na anak ni Sedeur.

19. Ang lipi naman ni Simeon ay pinangungunahan ni Selumiel na anak ni Zurisadai

20. at ni Eliasaf na anak ni Deuel naman sa lipi ni Gad.

21. Kasunod ng pangkat nina Ruben ang mga Levita mula sa angkan ni Kohat, dala ang mga sagradong bagay. Pagdating nila sa susunod na pagkakampuhan, muli nilang itatayo ang tabernakulo.

Mga Bilang 10