Mga Bilang 10:17-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Kapag nakalas na at naihanda na sa pag-alis ang tabernakulo, susunod ang mga anak ni Gershon at ni Merari, na siyang nagpapasan ng binaklas na tabernakulo.

18. Kasunod ang pangkat nina Ruben ayon sa kanya-kanyang angkan, at pinangungunahan ni Elizur na anak ni Sedeur.

19. Ang lipi naman ni Simeon ay pinangungunahan ni Selumiel na anak ni Zurisadai

20. at ni Eliasaf na anak ni Deuel naman sa lipi ni Gad.

Mga Bilang 10