Mga Bilang 10:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

2. “Magpagawa ka ng dalawang trumpetang yari sa pinitpit na pilak. Gagamitin mo ang mga ito sa pagtawag ng pagpupulong ng taong-bayan o kung kailangan nang magpatuloy sa paglalakbay ang buong Israel.

3. Kapag hinipan nang sabay, ang buong Israel ay magtitipun-tipon sa harap ng Toldang Tipanan.

4. Kapag isa ang hinipan, ang mga pinuno ng bawat angkan ang haharap sa iyo.

5. Pag-ihip ng unang hudyat, lalakad ang mga liping nagkampo sa gawing silangan.

Mga Bilang 10