Mga Awit 99:7-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Si Yahweh ay nagsalita sa isang haliging ulap;sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

8. O Yahweh na aming Diyos, sinagot mo sila agad,at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad;ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa'y hindi tumpak.

9. Ang Diyos natin na si Yahweh, dapat nating parangalan,sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan!Si Yahweh na ating Diyos ay banal!

Mga Awit 99