Mga Awit 98:6-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari.

7. Mag-ingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy,umawit ang buong mundo at lahat ng naroroon.

8. Umugong sa palakpakan pati yaong karagatan;umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.

9. Si Yahweh ay dumarating, maghahari sa daigdig;taglay niya'y katarungan at paghatol na matuwid.

Mga Awit 98