Mga Awit 97:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo!Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo!

2. Ang paligid niya'y ulap na puno ng kadiliman,kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.

3. Sa unahan niya'y apoy, patuloy na nag-aalab,sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.

Mga Awit 97