Mga Awit 94:21-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Sama-sama silang lagi't ang matuwid ang kalaban,ang hatol sa walang sala ay hatol na kamatayan.

22. Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol.Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan.

23. Sa masamang gawa nila ay Diyos ang gaganti,lilipulin niyang lahat, pagkat sila'y di mabuti;ang wawasak sa kanila ay ang Diyos na si Yahweh.

Mga Awit 94