Mga Awit 93:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Si Yahweh ay naghahari, na ang suot sa katawanay damit na maharlika at puspos ng kalakasan.Matatag na itinayo ang sandigan ng daigdig,kahit ano ang gawin pa'y hindi ito mayayanig.

2. Ang trono mo ay matatag simula pa noong una,bago pa ang kasaysayan, ika'y likas na naro'n na.

3. Tumataas nga, O Yahweh, ang tubig ng mga ilog,lumalakas ang lagaslas habang sila'y umaagos;maingay na mga alon katulad ay pagkalabog.

Mga Awit 93