Mga Awit 90:7-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Sa tindi ng iyong galit, para kaming nauupos,sa simbuyo ng galit mo'y lubos kaming natatakot.

8. Aming mga kasalanan, sa harap mo'y nahahayag,mga sala naming lihim ay kita mo sa liwanag.

9. Sa kamay mo'y nagwawakas itong hiram naming buhay,parang bulong lamang ito na basta lang dumaraan.

10. Buhay nami'y umaabot ng pitumpung taóng singkad,minsan nama'y walumpu, kung kami'y malakas;ngunit buong buhay namin ay puno ng dusa't hirap,pumapanaw pagkatapos, dito sa sangmaliwanag.

11. Ang tindi ng iyong galit sino kaya ang tatarok?Sino kaya ang susukat niyong ibubungang takot?

12. Dahil itong buhay nami'y maikli lang na panahon,itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.

13. Hanggang kailan pa ba, Yahweh, ang ganitong kalagayan?Parang awa mo na, mga lingkod mo'y iyong tulungan!

14. Kung umaga'y ipadama iyong wagas na pag-ibig,at sa buong buhay nami'y may galak ang aming awit.

15. At ang aming kahirapan palitan mo ng ginhawa,singhaba rin ng panahon ang ipalit na ligaya.

Mga Awit 90