4. Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang;isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.
5. Mga tao'y pumapanaw na para mong winawalis,parang damo sa umagang tumubo sa panaginip.
6. Parang damong tumutubo, may taglay na bulaklak,kung gumabi'y nalalanta't bulaklak ay nalalagas.
7. Sa tindi ng iyong galit, para kaming nauupos,sa simbuyo ng galit mo'y lubos kaming natatakot.
8. Aming mga kasalanan, sa harap mo'y nahahayag,mga sala naming lihim ay kita mo sa liwanag.