Mga Awit 90:11-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Ang tindi ng iyong galit sino kaya ang tatarok?Sino kaya ang susukat niyong ibubungang takot?

12. Dahil itong buhay nami'y maikli lang na panahon,itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.

13. Hanggang kailan pa ba, Yahweh, ang ganitong kalagayan?Parang awa mo na, mga lingkod mo'y iyong tulungan!

14. Kung umaga'y ipadama iyong wagas na pag-ibig,at sa buong buhay nami'y may galak ang aming awit.

Mga Awit 90