Mga Awit 9:15-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila;sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila!

16. Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala,at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah)

17. Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos,pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos.

18. Hindi habang panahong pababayaan ang dukha;hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita.

Mga Awit 9