13. Ang taglay mong lakas at kapangyarihan,ay walang kaparis, di matatawaran!
14. Ang kaharian mo ay makatarungan,saligang matuwid ang pinagtayuan;wagas na pag-ibig at ang katapatan,ang pamamahala mong ginagampanan.
15. Mapalad ang taong sa iyo'y sumasamba, sa pagsamba nila'y inaawitan kaat sa pag-ibig mo'y namumuhay sila.
16. Sa buong maghapon, ika'y pinupuri,ang katarungan mo'y siyang sinasabi.
17. Ang tagumpay namin ay iyong kaloob,dahilan sa iyong kagandahang-loob.
18. Sapagkat si Yahweh ang aming sanggalang,ang aming hari ay siya ang humirang, Banal ng Israel, siya'y aming sandigan.
19. Noon pa mang una, sa mga lingkod mo, ika'y nagsalita,sa pangitaing ipinakita'y ito ang badya:“Aking pinutungan ang isang dakila,na aking pinili sa gitna ng madla.
20. Ang piniling lingkod na ito'y si David,aking binuhusan ng banal na langis.
21. Kaya't palagi ko siyang gagabayan,at siya'y bibigyan ko ng kalakasan.
22. Di siya malulupig ng kanyang kaaway,ang mga masama'y di magtatagumpay.
23. Aking dudurugin sa kanyang harapan,silang namumuhi na mga kaaway.
24. Ang katapatan ko't pag-ibig na wagas, ay iuukol ko't aking igagawad,at magtatagumpay siya oras-oras.
25. Mga kaharia'y kanyang masasakop,dagat na malawak at malaking ilog.
26. Ako'y tatawaging Ama niya't Diyos,tagapagsanggalang niya't manunubos.
27. Gagawin ko siyang panganay at hari,pinakamataas sa lahat ng hari!
28. Ang aking pangako sa kanya'y iiralat mananatili sa aming kasunduan.
29. Laging maghahari ang isa niyang angkan,sintatag ng langit yaong kaharian.