Mga Awit 89:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pag-ibig mo, Yahweh, na di nagmamaliw, ang sa tuwi-t'wina'y aking aawitin;ang katapatan mo'y laging sasambitin.

2. Ang iyong pag-ibig walang katapusan,sintatag ng langit ang iyong katapatan.

3. Sabi mo, O Yahweh, isang kasunduan ang iyong ginawa kay David mong hirangat ito ang iyong pangakong iniwan:

Mga Awit 89