1. Masiglang awitan ang Tagapagligtas, itong Diyos ni Jacob, awitang may galak.
2. Umawit sa saliw ng mga tamburin,kasabay ng tugtog ng lira at alpa.
3. Hipan ang trumpeta tuwing nagdiriwang,kung buwan ay bago't nasa kabilugan.
4. Pagkat sa Israel, ito'y isang utos,batas na ginawa ng Diyos ni Jacob.