Mga Awit 8:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Yahweh, na aming Panginoon,sa buong mundo'y tunay kang dakila!Iyong papuri'y abot sa langit!

2. Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang,ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan,kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

3. Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay,pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay.

4. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan;o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?

5. Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti,pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.

Mga Awit 8