1. O Diyos,pinasok ng Hentil ang lupang pangako, hayo't iyong masdan!Winasak ang lunsod, ang banal mong templo ay nilapastangan;
2. ang mga katawanng mga lingkod mo ay ginawang pagkain ng mga ibon,ang kanilang laman, sa mga halimaw ay ipinalamon.
3. Dugo ng bayan mo'yibinubo nila, sa buong palibot nitong Jerusalem,katulad ay tubig; sa dami ng patay ay walang maglibing.
4. Ang karatig-bansangdoo'y nakasaksi, kami'y kinutya at nagtatawa sila,lahat sa palibot ay humahalakhak sa gayong nakita.