Mga Awit 78:32-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Sa ganitong gawa ng Diyos, sunod-sunod na himala,ganti nila ay paglabag, hindi pa rin naniwala.

33. Kaya't yaong pasya ng Diyos, ang araw ay wakasan na,bigla-biglang paratingin sa kanila ang parusa.

34. Subalit noong sila ay lilipulin na ng Diyos,nagsisi ang karamiha't sa kanya'y nagbalik-loob.

35. Noon nila nagunitang ang sanggalang nila'y ang Diyos,ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.

Mga Awit 78