1. Kayo ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak,inyong dinggi't ulinigin, salita kong binibigkas.
2. Itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga,nangyari pa noong una, kaya ito'y mahiwaga.
3. Ito'y aming narinig na, kaya naman aming alam,nagbuhat sa aming nuno na sa ami'y isinaysay.
4. Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim,ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin;mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hangana si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila.