Mga Awit 73:6-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Ang pagmamalaki ay kinukuwintas,at ang dinaramit nila'y pandarahas.

7. Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan,at masasama rin ang nasa isipan;

8. mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila,ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang.

9. Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw,labis kung mag-utos sa mga nilalang;

Mga Awit 73