Mga Awit 62:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa;ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya.

2. Tanging siya lamang ang tagapagligtas,tagapagtanggol ko at aking kalasag;akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

3. Hanggang kailan ba ninyo lulupigin ang sinuman na nais ninyong patayin?Tulad ng isang pader siya'y ibagsak gaya ng bakod siya'y mawawasak.

4. Nais lamang ninyong siya ay siraan, sa inyong adhikang ibaba ang dangal;ang magsinungaling, inyong kasiyahan.Pangungusap ninyo, kunwa'y pagpapala,subalit sa puso'y inyong sinusumpa. (Selah)

5. Tanging sa Diyos lang ako umaasa;ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya.

6. Tanging siya lamang ang tagapagligtas,tagapagtanggol ko at aking kalasag;akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

Mga Awit 62