Mga Awit 57:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mahabag ka, O aking Diyos, ikaw sana ay mahabag;sa iyo ako lumalapit upang ako ay maligtas,pagkat aking nasumpungan sa lilim ng iyong pakpak,ligtas ako sa panganib hanggang ito ay lumipas.

2. Yaong aking tinatawag, ang Diyos na Kataas-taasan,ang Diyos na nagbibigay ng lahat kong kailangan.

3. Magmula sa kalangitan, diringgin ang aking hibik,ang lahat ng kaaway ko'y lubos niyang magagapi;ang tapat niyang pagmamahal at matatag na pag-ibig, ihahayag ito ng Diyos, sa aki'y di ikakait. (Selah)

4. Kasama ko'y mga leon, kapiling ko sa paghimlay,mabangis na mga hayop na sisila sa sinuman;parang sibat at palaso yaong ngipin nilang taglay,matulis ang mga dila na animo'y mga sundang.

Mga Awit 57