10. May tiwala ako sa Diyos, pangako niya'y iingatan,pupurihin ko si Yahweh sa pangakong binitiwan.
11. Lubos akong umaasa't may tiwala ako sa Diyos;sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.
12. Ang anumang pangako ko'y dadalhin ko sa iyo, O Diyos,ang alay ng pasalamat ay sa iyo ihahandog.
13. Pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng kamatayan,iniligtas mo rin ako sa ganap na kasiraan.Upang ako ay lumakad sa presensya mo, O Diyos,sa landas nitong liwanag na ikaw ang nagdudulot!