Mga Awit 46:3-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. kahit na magngalit yaong karagatan,at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)

4. May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,sa banal na templo'y ligaya ang dulot.

5. Ang tahanang-lunsod ay di masisira;ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,mula sa umaga ay kanyang alaga.

6. Nangingilabot din bansa't kaharian,sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.

Mga Awit 46