Mga Awit 45:4-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Maglakbay kang mayro'ng dangal tinataglay ang tagumpay,alang-alang sa matuwid, ipagtanggol ang katuwiran;tagumpay ay matatamo sa lakas mong tinataglay.

5. Palaso mo'y matatalim, pumapatay ng kaaway;susuko ang mga bansa at sa iyo'y magpupugay.

6. Iyang tronong tinanggap mo na kaloob ng Diyos,isang tronong magtatagal at hindi na matatapos;matuwid kang maghahari sa bansa mong nasasakop.

Mga Awit 45