Mga Awit 41:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap,si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag.

2. Buhay niya'y iingatan, si Yahweh lang ang may hawak,sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak,at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad.

3. Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit,ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik.

4. Ang pahayag ko kay Yahweh, “Tunay akong nagkasala,iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!”

5. Yaong mga kaaway ko, ang palaging binabadya,“Kailan ka mamamatay, ganap na mawawala?”

Mga Awit 41