Mga Awit 40:11-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin;wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman.

12. Kay rami na nitong mga suliranin,na sa karamiha'y di kayang bilangin.Alipin na ako ng pagkakasala,na sa dami, ako'y di na makakita;higit pa ang dami sa buhok sa ulo,kaya nasira na pati ang loob ko.

13. Nawa ay kalugdan, na ako'y tulungan! Yahweh, ngayon na, ako'y pakinggan.

Mga Awit 40