Mga Awit 39:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang sabi ko sa sarili, sa gawai'y mag-iingat,at hindi ko hahayaang ang dila ko ay madulas;upang hindi magkasala, ako'y di magsasalitahabang nakapalibot, silang mga masasama.

2. Ako'y sadyang nanahimik, wala akong sinasabi,hindi ako nagsalita maging tungkol sa mabuti;ngunit lalo pang lumubha paghihirap ng sarili.

3. Ako'y lubhang nabahala, nangangamba ang puso ko,habang aking iniisip, lalo akong nalilito;nang di ako makatiis, ang sabi ko ay ganito:

4. “Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay,kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay.”

5. Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay,sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan;ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan. (Selah)

6. Ang buhay ng isang tao'y parang anino nga lamang,at maging ang gawa niya ay wala ring kasaysayan;hindi batid ang kukuha ng tinipon niyang yaman!

7. Kung ganoon, Panginoon, nasaan ba ang pag-asa?Pag-asa ko'y nasa iyo, sa iyo ko nakikita.

8. Kaya ngayo'y iligtas mo, linisin sa aking kasalanan;ang hangal ay huwag bayaan na ako'y pagtawanan.

9. Tunay akong tatahimik, wala akong sasabihin,pagkat lahat ng dinanas, pawang dulot mo sa akin.

Mga Awit 39