11. Tatamuhin ng mga mapagpakumbabá, ang lupang pangako na kanyang pamana;at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.
12. Ang taong masama'y laban sa matuwid,napopoot siyang ngipi'y nagngangalit.
13. Si Yahweh'y natatawa lang sa masama,pagkat araw nila lahat ay bilang na.
14. Taglay ng masama'y pana at patalim,upang ang mahirap dustai't patayin,at ang mabubuti naman ay lipulin.
15. Ngunit sa sariling tabak mamamatay,pawang mawawasak pana nilang taglay.
16. Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti,kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y bale-wala.
17. Lakas ng masama ay aalisin,ngunit ang matuwid ay kakalingain.
18. Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin,ang lupang minana'y di na babawiin.
19. Kahit na sumapit ang paghihikahos,di daranasin ang pagdarahop.
20. Ngunit ang masama'y pawang mamamatay;kalaban ni Yahweh, tiyak mapaparam, tulad ng bulaklak at mga halaman;para silang usok na paiilanlang.
21. Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa,ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.
22. Lahat ng mga taong pinagpala ni Yahweh, lupang masagana, kanilang bahagi;ngunit ang sinuman na kanyang sumpain, sa lupaing iyon ay palalayasin.
23. Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas;sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.
24. Kahit na mabuwal, siya ay babangon,pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.
25. Mula pagkabata't ngayong tumanda na,sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos nagpabaya;o ang anak niya'y naging hampas-lupa.