Mga Awit 37:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Huwag kang mabalisa dahil sa masama;huwag mong kainggitan liko nilang gawa.

2. Katulad ng damo, sila'y malalanta,tulad ng halaman, matutuyo sila.

3. Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin,at mananahan kang ligtas sa lupain.

4. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan,at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

5. Ang iyong sarili'y sa kanya italaga,tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

6. Ang kabutihan mo ay magliliwanag,katulad ng araw kung tanghaling-tapat.

Mga Awit 37