1. Ang mga salungat at laban sa akin, O Yahweh, sila ay iyo ngang digmain!
2. Ang iyong kalasag at sandatang laan,kunin mo at ako po ay iyong tulungan.
3. Dalhin mo ang iyong palakol at sibat,at sila'y tugisin hanggang sa mautas.Sabihin mong ikaw ang Tagapagligtas ng abang lingkod mo, O Diyos na marilag!
4. Silang nagnanasang ako ay patayinay iyong igupo at iyong hiyain;at ang nagtatangkang lumaban sa akin,hadlangan mo sila at iyong lituhin.