Mga Awit 33:9-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ang buong daigdig, kanyang nilikha,sa kanyang salita, lumitaw na kusa.

10. Ang binabalangkas niyong mga bansa,kanyang nababago't winawalang-bisa.

11. Ngunit ang mga panukala ni Yahweh,hindi masisira, ito'y mananatili.

12. Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos;mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

13. Magmula sa langit, kanyang minamasdanang lahat ng tao na kanyang nilalang.

14. Nagmamasid siya at namamahalasa lahat ng tao sa balat ng lupa.

Mga Awit 33