Mga Awit 33:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Lahat ng matuwid dapat na magsaya,dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;kayong masunuri'y magpuri sa kanya!

2. Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan,tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;

3. Isang bagong awit, awiting malakas,kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!

4. Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita,at maaasahan ang kanyang ginawa.

Mga Awit 33