Mga Awit 31:2-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Ako'y iyong dinggin, iligtas ngayon din!Sana'y ikaw ang aking maging batong kublihan;matibay na kuta para sa aking kaligtasan.

3. Ikaw ang aking kanlungan at sanggalang;ayon sa pangako mo, akayin ako't patnubayan.

4. Iligtas mo ako sa nakaumang na patibong;laban sa panganib, sa iyo manganganlong.

5. Sa iyong kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking buhay.At sa aki'y ibibigay ang iyong kaligtasan;ikaw ay Diyos na mapagkakatiwalaan.

Mga Awit 31