Mga Awit 3:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Yahweh, napakarami pong kaaway,na sa akin ay kumakalaban!

2. Ang lagi nilang pinag-uusapan,ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah)

3. Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang,binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.

Mga Awit 3