7. Si Yahweh ang lakas ko at kalasag,tiwala ko'y sa kanya nakalagak.Tinutulungan niya ako at pinasasaya,sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.
8. Iniingatan ni Yahweh ang kanyang sambayanan;siya ang kanlungan ng kanyang haring hinirang.
9. Iligtas mo, Yahweh, ang iyong bayan,ang mga sa iyo, ay iyong basbasan.Alagaan mo sila magpakailanman,tulad ng pastol sa kanyang kawan.