Mga Awit 28:6-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Si Yahweh ay dapat purihin!Dininig niya ang aking mga daing.

7. Si Yahweh ang lakas ko at kalasag,tiwala ko'y sa kanya nakalagak.Tinutulungan niya ako at pinasasaya,sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

8. Iniingatan ni Yahweh ang kanyang sambayanan;siya ang kanlungan ng kanyang haring hinirang.

9. Iligtas mo, Yahweh, ang iyong bayan,ang mga sa iyo, ay iyong basbasan.Alagaan mo sila magpakailanman,tulad ng pastol sa kanyang kawan.

Mga Awit 28